• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

CAMP ELIAS ANGELES Pili, Camarines Sur- 1.5M pesos na halaga ng Kabuhayan Starter Kits ang ipinamahagi ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga beneficiaries mula sa mga liblib na barangay ng Bayan ng Caramoan sa lalawigan sa simpleng awarding ceremony na pinangunahan ni Regional Director Nathaniel V. Lacambra ng ahensiya at 9th Infantry Division Commander Major General Yerson E. Depayso na ginanap dito Agosto 31.

 

295 na mahihirap nating mga kababayan ang nakatanggap ng naturang Kabuhayan Starter Kits na kinabibilangan ng mga kagamitan sa carpentry, cooking, electrical services, handicraft at iba pa.

 

Ayon kay DOLE Regional Director Lacambra na malaking tulong ito sa mga beneficiaries sa kanilang kabuhayan.

 

Ipinaliwanag ni Lacambra na hindi lang matatapos sa pagbibigay ng solusyon sa insurhensiya ang magagawa ng AFP lalo na ng Philippine Army kundi ang pagbigay ng kabuhayan sa mga ito katuwang ang mga ahensiya ng pamahalaan tulad ng DOLE.

 

Umabot na sa 14 Milyong pesos ang nagugol ng ahensiya sa livelihood projects pa lang sa buong lalawigan ng Camarines Sur at umabot na sa mahigit 4,000 na mahihirap nating kababayan ang nabiyayaan.

 

Malaking pasasalamat naman ang ipinaabot ni Mayor Constantino Cordial sa pagkakapili nang kanyang bayan na maging beneficiary ng proyektong ito ng Philippine Army at DOLE.

 

Tumugma anya sa mga programa ng kanyang bayan sa livelihood ang naturang proyekto. Meron din umanong ibibigay na counterpart ang LGU Caramoan sa programang ito na magpapaangat sa kabuhayan ng kanyang mga konstituentes.

 

Tiniyak naman ni Maj. Gen. Depayso na magpapatuloy ang Army at DOLE sa programang ito sa buong Bikol na inilunsad na rin sa 903rd Infantry Brigade sa area ng Sorsogon at Masbate; 901st Infantry Brigade sa Lalawigan ng Albay at Catanduanes; at 902nd Infantry Brigade sa Lalawigan ng Camarines Norte at Camarines Sur na ilang beses na rin na naglunsad ng proyekto katuwang ang Civil Military Operations CMO “Kaagapay” Battalion sa pamumuno ni Lt. Col. Lenart Lelina at 42nd Infantry “Tagapagtanggol” Battalion sa pamamuno naman ni Lt. Col Joselito P. Pastrana na kahit nasa Battalion retraining ay aktibo pa rin sa pagsusulong ng naturang programa .